ecopinoy

Thursday, March 6, 2008

Baba na Peke

Hindi bababa si peke. Alam nya maraming peke ang nasa baba. At least sa pinakataas nga naman iisa lang siyang peke. Kaya kahit anong itawag niyo sa pekeng bulilit di bababa yan. Huli nga na siya. Inamin pa niya nandaya siya. Ang siste sa kanya na ang escuela. Siya pa principal at kampi pa niya mga bullies bawat classroom. Paano siya masisipa. Sige nga. Eto ngayon pagaralin mabuti kung papano patalsikin si peke. Puwedeng hindi na pumasok mga estudyante. Magsasara ang school. Maluluge at yan ang kinatatakutan ng mga magulang paano na magaaral ang mga bata. Pero talsik naman nga siya kaya lang bagsak din mga estudyante. Takot magsimula lahat lalo na yon mga peke din nasa baba. Kaya ang sinasabi ko noon pa hindi bababa yang pekeng yan. Lilipad yan pag walang nakatingin. Pag natututong lumaban ang mga takot na estudyante sa mga bullies. May utak yan kaya nga napeke niya lahat pati buong mundo. Sira nga lang utak niyan. Kaya preparado na ang asylum paglipad niya kasama mga mautak din bullies. Guguluin muna lahat ng pagpapatakbo sa napekeng escuela. Tapos lilipad na ang mga yan. Siyempre isang peke na naman ang papalit sa kanya. Papayag pa ba tayo sa ganitong kalokohan mga ka-school bukol? Bukulin na natin mga bullies. Tayo na mga estudyante ang guguhit kung saan pupunta ang escuela natin. Lapain mga peke. Hirap magaral pekeng mandaraya lang panalo. Panalo na ba? Puro kindatan lang ng mga peke ang napangyayari. Import na lang kaya ng classmate na suicide bomber. Kaso may nauna ng nakabasa ng mga planong binalibag lang sa basurahan. Galing ng mga pekeng to. Papel pa lang bomba na. Yung mga utot sa glorietta sumabog nga. Kaya sa papel pa lang na mabaho pinasabog na. Ay naku tuloy tuloy lang huwag bibitaw kasi lilipad talaga si peke pero hindi bababa. Tatapang din ang mga obispo. Kaya? Huwag matakot. Si peke nga parang, para lang walang takot, tayo pa. Pag takot tayo peke rin tayo tulad ng isang joker. Tayo na ang sa totoo. Huwag ng umupo. Sige tatangkad pa uli mga pandak at higante. Bangon na pinoy. Laban na. Madaling mawala na parang bula ang mga peke. Ingat lang at huwag na huwag ng bibitiw at uupo. Madali rin sumulpot ulit ang isang peke sa dagat ng mga taong nagdurusa kahit walang peke sa ginagawa. Mabuhay ka pinoy. Patalsikin paliparin ang sirang-ulo na mga pekeng nakapuwesto. Leksyon. Ang peke ay di bumababa. Lumilipad ito na parang magnanakaw sa gabi sa tulong ng kapwa maglilinlang at magnanakaw.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home