Mamamahayag
Peligroso ang mga mamamahayag. Kaya tapang at listo sa bawat galaw ay kailangan. Pero dumarating ang pagkakataon na mahina ang pangamoy o motor kaya napapasok ang mga peligro. Mayroon naman swerte at palaging nasasalba sa kapahamakan. Pwedeng paborito sila ng maykapangyarihan. Pwede rin naman maraming nakapaligid na bantay. Pero mayroon talagang dedikasyon o pagmamahal sa trabaho ang tumutulak kahit anong peligro ay susuhungin magawa lang ang trabaho. Mga mamamahayag sa palagay ko kahit liko o matuwid man ay may mga bayag. Maraming mamahayag ang namatay na sa regimeng kasalukuyan. Nakasalamuha ko na rin o nakita ang iba't ibang klaseng mamamahayag. Talagang tapang ng sikmura ang kailangan sa racket o dakilang hanapbuhay na to. Pero pangit pala sa tagalog ang journalist. Mamamahayag, parang hayagan lang ng hayagan di malayo sa kultura ng mga pinoy. Gusto lahat malaman. Saan punta? Karaniwan bati. Kaya tayong pinoy ay wala talagang maitatago. Pinakamababang hanapbuhay ay susuotan kahit nasan makapamuhay lang ng mahal sa buhay. Gayon din ang pinakalapastangan na gawain mamuhay lang parang hari. Mamamahayag. Tayo yon. Kung hindi sa salita. Mukha lang natin ay inihahayag na kung sino o ano tayong mga pinoy. Mamamahayag, hayagan na to' o aalma ka ba. Wala kana man binatbat. Si Ces meron, may balls yon kaya mabili sa mga lapastangan. Bandido man sa bundok, sa gobyerno o sa pribadong negosyo. Hayagan ng naglaladlad. Yan ang pinoy. Bangon na noypi.


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home