Mga Mukha ng mga Lapastangan
Tingnan maigi mga facial expressions ng mga nagkakasala sa bayan. Iisa lang ang hitsura. Pero mariin tingnan niyo ang mga mata. Kundi umiikot, nanlilisik. Kasi mga asong ulol sila na kumakain ng sariling suka. Kaya maaasim ang mga mukha. Ang ngiti nila'y ngisi. Ang boses nila'y galing sa usling nguso. Bakit pa sila umeeksena. Malapit na closing time. Kahit anong dating wala na silang paki. Tongpats pa rin ang habol. O kay hapdi, o kaybaho ng mga araw nating mga noypi. Patalsikin na natin ang mga yan sobra na paghihirap nila. Hinog na hinog na. Lalagapak na ang mga yan. Naglilipat na mga lords. Naghahanap na ng pamalit. Lipulin mo na lahat among halimaw. Nasisira na iyong kamada. Ok lang kung bubuluking mo pa ang iyong mga kampon. Wala naman kayong pakiramdam ni pangamoy. Samantala, nauubos na mga inosenteng mamayan sa pagluwang ng turnilyo ng pekeng tagakumpas. Manggogoyo. Manggagantso. Talipandas. Isang ngisi naman dyan bago ka batuhin ng mga ligaw na batang lansangan.


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home