Patutut
Ang patutut ay walang bait. Ito'y kampon ng demonyo. Magsiingat kayo sa mga patutut. Di nila ginagawa ang sinasabing gagawin nila. At maalarma kayo, dahil sinasabi nila ito na titig na titig sa inyong mga mata. Wala na silang nakaraan, wala rin silang bukas. Sirang-sira na ang buhay ng isang patutut dahil nakakulong na ito sa isang piitang walang hanganan. Magsusumigaw, mananaghoy iyan ang patutut. Umiikot ang mga mata, ngising aso ang sagot sa mga pobre mong pita walang bayang nililiyag ang patutut. Tirisin mo siya dahil mamatay tao ang isang patutut. Papatayin ang iyong katawan para pati iyong adhikain ay mapunta na rin sa ukay. Pero bawat kilos ng isang patutut ay pansamantala lamang. Dahil nabubuhay siya sa pagsasamantala. Takot sa araw na darating ang patutut. Pagod na pagod pero iyon ang bumubuhay sa kanya. Walang preskong sandali ang patutut. Lahat ay kunwari lamang. O Diyos naming makapangyarihang ilayo mo kami sa mga patutut. Iadya mu kami sa lahat ng masama na pinaghaharian ng mga patutut. Salamat po.


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home