ecopinoy

Monday, April 7, 2008

Tiwali

Ang mga tao ayaw ng katiwalian, ganoon din ako ayaw ko rin sa katiwalian. Alalahanin nyo na ilang beses na kong mag sorry sa mga ilan katiwalian. Pasensya na lang kayo at medyo tiwali ang utak ko. Paano ako uupo bilang pinuno kung di sa pagka-timang ko. Binoto nyo ba ako? Hayun, si gng comelec official ang yumari. Di nyo ba napapansin panay ang tago at ilag ko sa mga katiwalian. Ayaw ko talaga ng tiwali. Konting yuko ko lang lampas na ang mga bato nyong kapalpakan. Wala kayong magagawa kasi kahit ayaw ko din sa tiwali maraming tiwali din ang utak na dumidepensa sa akin. Kaya gaya nyo, ayaw din namin ng katiwalian. Dinadala namin sa malayong lugal o kaya di namin pinalalabas. Meron kasing executive privilege na tinatawag. Kaya bilang chief executive ayaw ko ng tiwali at yan ay ang aking sagradong pribeliyo. Aangal pa ba kayo? Si Joe, tiwali yan si joe, kaya ayun nasipa siya sa pwesto. Huwag kayong titiwali sa akin dahil ako ang presidente. I am the president. Sa 2010 na lang ako bababa. Kung wala ng tiwali sa mga hangarin ko. Pag meron pa, hindi na ko bababa. Sa panahon na yon palagay ko alam nyo na kung bakit gaya nyo ayaw ko ng tiwali. Hinding-hindi ako titiwali sa pwesto kong to, ano ako timang? Magaling si papa johnny pag binitawan ko tong pwesto, I'm dead. Sama-sama nating itakwil ang katiwalian. Syempre hindi yong mga natatagong katiwalian sa ngalang ng aking ehekutibong pribeleho. Iyong di makatago sisipain ko tulad ni Joe, si Trillanes, sino pa si among Ed ng Pampanga tiwali sa kanyang vocasion bilang pari. Sipa lahat yan. Tiwali ako at mga kamaganak at kaibigan ko. Pero may ebidensya ba kayo? Pakita nyo sa tiwaling korte. Ayaw namin ng tiwali pero andyan na yan, bilyong pera, dollar pa. Titiwalag ba kayo sa pera? May pera tayo huwag kayong mag-alala ng bigas. O sige na ha mag hahappy birthday lang ako. Dami ako tiwaling bisita kahit alam nilang ayaw ko sa tiwali. He, he, he. O Raul, Bert, etc., kainan na. O may bigas ba sa kusina? gloribitz-

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home